Breaking News

DALAWA PANG BIKTIMA NG HAZING NASA OSPITAL,DARWIN DORMITORIO KINURYENTE ANG ARI,BINUGBIG NG UPPER CLASSMEN.



Matinding torture sa katawan dahil sa hazing ang sanhi ng pagkamatay ng isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) mula sa kamay ng kanyang mga upper classmen sa loob ng kanilang akademya sa Baguio City.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Cordillera Police Director Police Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson, base sa resulta ng isinagawang autopsy examination ng Baguio City Medico Legal Officer sa bangkay ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio, 20-anyos, na unang iniulat na nasawi dahil sa “cardiac arrest secondary to internal he-morrhage”.

Image result for Darwin Dormitorio
Sa kabila nito, sinabi ni Dickson na nagsasagawa pa sila ng balidasyon sa impormasyon na bukod sa pambubugbog o paghampas ng matigas na bagay kay Dormitorio ay kinur-yente pa umano ang kadete sa isinagawang hazing dito ng kanyang mga upper classmen.
Hinggil naman sa pagsusuka ng dugo ni Dormitorio, sinabi ng opisyal na posibleng may nabasag sa internal organs nito.
Image result for Darwin Dormitorio
Kaugnay nito, tiniyak ni PMA Supt. Major Gen. Ronnie Evangelista na papatawan ng karampatang parusa ang mga nasa likod ng pagkamatay ni Dormitorio. Tiniyak din nito na makakakuha ng hustisya ang pamilya Dormitorio dahil sa matinding sinapit ng kadete.

LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!