Bagong batas na Ipinasa ng Konsehong Lungsod ng Maynila! "Anti COVID-19 Discrimination Ordinance of 2020"
Ito ang bagong batas na ipinasa ni Mayor Isko Moreno para sa lungsod ng Maynila.
Anti Covid-19 Discrimination Act.
ADVISORY: Ipinasa ng Konsehong Lungsod ng Maynila ngayong Huwebes, ika-2 ng Abril, ang Ordinance no. 8624.
Ang ordinansang ito, na tinatawag bilang "Anti COVID-19 Discrimination Ordinance of 2020," ay naglalayong ipagbawal ang anumang uri ng pamamahiya o diskriminasyon sa mga taong kumpirmadong positibo, maging sa mga Persons under Investigation (PUIs) at Persons under Montoring (PUMs) ng sakit na coronavirus disease o COVID-19.
Kabilang din sa prinoprotektahan ng ordinansang ito laban sa maling pagtrato at pambabastos ay ang mga doktor, nurse, frontliners, volunteer workers at iba pang mga kawani sa sektor ng kalusugan at service workers.
Ayon rito, hindi maaaring harangin ang mga PUI, PUM, frontliners at medical workers na nais umuwi sa kanilang tinutuluyan kung sila ay mayroong maipapakitang COVID-19 clearance mula sa mga health officials.
Dagdag pa rito, sinumang magpakalat ng sensitibong impormasyon, sa publiko man o sa social media, tungkol sa positibo o pinaghihinalaang pasyente, kumpirmado man ito o hindi, ay maaaring sampahan ng kaso.
Maliban nalang kung ang pasyente mismo ang nagbigay ng basbas upang magamit ang kanyang pribadong impormasyon tungo sa layuning medikal tulad ng "contact tracing".
Ayon sa ordinansa, sinumang lalabag dito ay magbabayad ng danyos na limang libong piso (P5, 000) at maaaring makulong ng hindi hihigit sa anim (6) na buwan.
PANOORIN ANG BUONG DETALYE NG VIDEO: