RAPPER NA SI LOONIE AT 2 PA POSITIBO SA MARIJUANA, NEGATIBO NAMAN SA SHABU.
Nagpositibo sa paggamit ng marijuana ang sikat na FlipTop battle rapper na si Loonie at ang kanyang dalawang kasamahan.
Batay sa drug test sa isinagawa Southern Police District (SPD)-Crime Laboratory, si Loonie na Marlon Peroramas sa totoong buhay at ang mga kasamahang sina Ivan Agustin at David Rizon ay positibo sa THC metabolites na pangunahing aktibong sangkop ng marijuana.
Negatibo ang tatlo sa metamphetamine o shabu batay sa pagsusuri sa kanilang urine specimen.