MAYOR ISKO MORENO NANAWAGANG LUMANDTAD ANG TINAGURIANG DRUG QUEEN NA SI BRG. KAP. GUINA CASTRO-GOMEZ.
Hinikayat ni Manila Mayor Isko Moreno ang tinaguriang ‘drug queen’ ng Maynila na sumuko na sa mga otoridad.
Ito ang naging panawagan ni Moreno matapos kilalanin ng mga otordiad si Guia Gomez-Castro bilang ang umano’y ‘drug queen’ na bumibili ng mga recycled drugs mula sa mga ‘ninja cops’.
Ayon kay Moreno, malaking tulong kasi kung kusa itong susuko sa mga otoridad, upang linawin ang mga paratang laban sa kaniya.
Kasabay nito, nilinaw din naman ni Moreno na si Castro ay dating chairwoman ng barangay 484 sa Sampaloc, Manila.
Dagdag pa ng alkalde, bukas din ang kaniyang tanggapan sakaling magdesisyon na ito na sumuko na sa mga otoridad.