Breaking News

TRENDING: SUMUKO KAY MAYOR ISKO MORENO ANG SUSPECT SA PAGPATAY SA ISANG BABAENG EMPLEYADO NG MANILA CITY HALL.



Natagpuang patay ang isang babae sa sariling niyang bahay Lunes ng gabi matapos pukpukin ng martilyo ng asawa sa Tondo, Maynila. Kinilala ang biktima na si Connie Capulong, isang empleyado ng Manila City Hall. 

Pinaghahanap na ngayon ang asawa niyang si Eric, na nagawa ang krimen dahil sa selos, ayon sa mga kapitbahay na nakarinig ng away ng mag-asawa. 



Kuwento ng kapitbahay ni Capulong na si Estela Balasabas, narinig niyang nagtatalo ang mag-asawa bandang alas-10:30 ng gabi ng Lunes. 

“Naririnig ko ‘yung away nila sabi ni Connie ‘Wala akong lalaki’ nagmumura siya,” ani Balasabas. 

Pagdating ng madaling-araw, makikita sa CCTV na lumabas ng bahay ang suspek na si Eric dala ang mga anak na 5 anyos at 2 anyos at dinala sa kaniyang kapatid. Dito na nakita ng kapatid ni Eric ang bangkay ng biktima na nakaratay sa kama at punong-puno ng dugo. Basag din ang ulo ng biktima. 

Natagpuan ang duguang martilyo sa lababo ng bahay ng suspek. Sa imbestigasyon ng MPD, lumalabas na nagtatangkang makipaghiwalay ng biktima sa suspek bago mangyari ang krimen. Kuwento ng mga nakatrabaho ni Connie, binabanggit sa kanila ng biktima na seloso ang suspek. “Minsan pumupunta yung asawa sinisilip na lang bigla si Connie, nagugulat kami,” ayon sa isang empleyado. 

Magbibigay naman si Manila Mayor Isko Moreno ng P100,000 pabuya sa sino mang makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek. Patuloy ang operasyon ng Manila Police kontra Eric, na huling nakita patungong Recto. 

LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!