Breaking News

DRUG QUEEN KILALA NA! GUIA GOMEZ KAPITANA SA ISANG BARANGAY SA MANILA AT NAGRERECYCLE NG ILEGAL NA DROGA.



Nagbigay ng mga bagong detalye ang pulisya nitong Martes ukol sa tinaguriang "drug queen" na nagre-recycle umano ng mga ilegal na droga na nakukuha sa police operations. 
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Guillermo Eleazar, nahalal bilang barangay chairwoman sa Sampaloc, Maynila ang drug queen pero hindi siya nakaupo sa puwesto. 
Konektado rin umano ito sa mga ninja cop na karamihan ay napatay, naaresto, o wala na sa serbisyo. Sa kanila umano kinukuha ng drug queen ang kaniyang suplya ng droga. 
Maimpluensiya din daw ang drug queen sa mga politiko. 
Sinabi na dati ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na aabot sa mahigit P20 milyon ang kinikita ng drug queen sa bentahan ng droga kada linggo. 
Ayon sa PDEA at NCRPO, nagtatago na rin ang drug queen sa ibang bansa. 
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ilang beses nang napurnada ang operasyon laban sa drug queen dahil sa mga tiwaling pulis. 
"Unfortunately, because of the meddling of ninja cops, nag-negative lahat ng operations ng NBI at saka kami... May ahas talaga at before kami pumunta sa target area, eh wala na," ani Aquino. 



Nasa 700 na ring pulis ang nasa watchlist ng PDEA, ayon kay Aquino. 
Ipauubaya na ng PDEA sa Department of the Interior and Local Government ang pagsasapubliko ng listahan ng mga hinihinalang tiwaling pulis. 
Hindi rin aniya ligtas ang mga miyembro ng PDEA na masasangkot sa droga. 
"PDEA is not exempted, meron din kami nafa-file na mga kaso against PDEA agents, 'yung iba ongoing pa,” ani Aquino. 
Nagbabala naman si Eleazar na sisibakin agad sa puwesto ang sino mang mapapatunayang magbebenta o magre-recycle ng droga.

LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!