Breaking News

PANGULONG DUTERTE MAY BAGONG TINALAGA BuCor CHIEF NA DATING EX-JAIL WARDEN NA SI GERALD BANTAG.


Personal choice daw ng Pangulo ang pagtatalaga sa dating ParaƱaque jail warden na si Gerald Bantag bilang BuCor chief, ayon kay Sen. Bong Go. Nahaharap si Bantag sa patung-patong na kasong murder dahil sa insidente ng pagsabog sa kulungan noong 2016 na ikinasawi ng 10 "high-profile" inmates.

Ayon sa Malakanyang, tinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong director-general ng Bureau of Corrections (BuCor) si Gerald Bantag na regional director ng Bureau of Jail Management and Penology in Mimaropa.

Papalitan ni Bantag si Nicanor Faeldon na sinibak ng Pangulo dahil sa diumano’y katiwalian nito sa pamamahala ng BuCor.
Image result for Gerald Bantag
Muntik na ring makawala si convicted rapist-murderer Antonio Sanchez kung hindi lang umalma at pinaingay ng taumbayan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, napili si Bantag dahil sa kanyang “katapatan.”
“The Palace is behind the President’s decision and is confident that DG Bantag will continue the administration’s campaign against corruption as he spearheads reform initiatives in the Bureau,” ani Panelo.
Image result for Gerald Bantag
Matatandaang nasangkot si Bantag sa pagsabog sa ParaƱaque City Jail na nagresulta sa pagkamatay ng 10 high-profile inmates, kabilang ang dalawang Tsino, na dapat ay ililipat ng selda.

LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!