Breaking News

BAGONG DRUG LORD QUEEN NA SUKI NG NINJA COPS O TIWALING PULIS, TALAMAK PA RIN ANG GINAGAWANG PAG-RECYCLE NG DROGA.


Talamak pa rin ang ginagawang pag-recycle ng droga ng mga ninja cops o mga tiwaling pulis sa kabila ng pagpapatuloy ng ikinasang giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) Director General Aaron Aquino.


Ito ang ginawang pag-amin at pagkumpirma ni Aquino sa nga senador sa pagsalang sa budget hearing.
Ang siste raw ng ilang mga pulis ay kalahati lang mula sa mga drogang nasamsam sa ikinakasang anti-drug operations ang isinusurender at ang ilang nakupit na droga ay itatago para isurrender sa susunod na operasyon o ibebenta muli.

“Ang usually nagiging modus, maybe half of that will be surrendered, iyon ang ipapalabas na na-seize, the other one will be kept, either for future operations [or be sold],” dagdag pa ni Aquino.
Sinabi pa ng PDEA chief na nakasamsam ang gobyerno ng nasa P22 bilyon halaga ng iligal na droga, at hindi pa nasisira dito ang nasa P20 billion halaga.
Ibinuking rin ni Aquino na mayroon isang “drug queen” na nasa likod ng pagbili ng mga nakumpiskang droga mula sa mga tiwaling pulis na ngayon ay minamanmanan na nila.
Pinuna naman ni Aquino ang mabagal na kautusan mula sa korte ukol sa pagsira ng mga nasabat na droga, sa katunayan ang pinakamatagal nang droga na nasa kustodiya ng gobyerno ay nasa 9 na taon gulang na.
Samantala, lubos namang nadismaya si Senator Franklin Drilon dahil umano na pinatutunayan ng pag-amin ni Aquino na walang silbi ang kinakasang war on drugs ng administrasyon.
“I am disgusted and dismayed by the report of the PDEA that recycling of shabu is rampant,” ayon kay Drilon.
“This is worrisome. This is a decades-old case of bantay-salakay, wherein the people who are given the task of enforcing the law insofar as drug trafficking is concerned are the ones who lead the anomalous practices,” diin pa ni Drilon.
Image result for pdea chief aquino senado bagong drug queen
 Giit naman ni Senator Panfilo Lacson na kailangan agad na solusyunan ang lumalaking problema na ito.
“We have to find a resolution to this festering issue. Social menace ito, ‘di lang law enforcement problem. If we have P22 billion worth of drugs seized, P20 billion of which is shabu and as far back as 9 years ago we really have a serious problem.”
Hinamon naman ni dating Philippine National Police at ngayon ay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa si Aquino na magprisenta ng mga ebidensya sa isiniwalat.

LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!