Breaking News

KUMPIRMADO BIKTIMA NG HAZING ANG NAMATAY NA CADET NA SI DARWIN DORMITORIO, AYON SA OPISYAL NG PMA



Kinumpirma ng Philippine Military Academy (PMA) Biyernes na si Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio ay nasawi sa hazing ayon sa mga opisyal ng PMA.
Ang kumpirmasyon ay inihayag ng PMA sa isang press conference sa Baguio City na ipinatawag ni PMA Superintendent Lieutenant General Ron Evangelista.
Sa isinagawang autopsy kay Dormitorio, ang mga pasa na nakita sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ay resulta na siya’y sinuntok at sinipa ng ilang beses.
Samantala, siniguro ng isang medico legal officer ang posibilidad na may matigas na bagay na ginamit para paluin si Dormitorio.
Dalawampung mga cadets ay nahaharap ngayon sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ni Dormitorio.



Ang ilan sa kanila ay isinailalim sa restrictive confinement upang matiyak ang kanilang availability.
Sa panayam kay Cordillera police chief Brigadier General Ephraim Dickson, sinabi nito na mayroon na silang tatlong ‘persons of interest.’
Ang kwarto ni Dormitorio ay ikinokonsiderang crime scene at ang ibang kadete ay inutusang i-confine sa barracks.
Sa ipinalabas na pahayag ng PMA, nagpaabot ito ng pakikipagsimpatiya sa naulilang pamilya ni Dormitorio.
Ang ilang kaanak ni Dormitorio ay idinaan sa social media ang kanilang hinanakit sa pagkasawi nito at humihingi sila ng hustisya.

WATCH!

LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!