Breaking News

GALIT NA SINIBAK NI PANGULONG DUTERTE SI BuCor DIRECTOR FAELDON, DAHIL SA KONTROBERSIYAL NA PAGLAYA NG 1,700 PRESO SA NEW BILIBID PRISON



Maluwag na tinanggap ni ex- Bureau of Corrections (BuCor) director general Nicanor Faeldon ang pagsibak sa kanyang sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“My commander-in-chief/appointing authority has spoken. I am a marine and a marine does as he is told,” ani Faeldon sa isang pahayag.
Naunang pinagbitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon pero sinibak na niya ito nang tuluyan dahil sa kontrobersiyal na paglaya ng mahigit 1,700 na preso sa New Bilibid Prison maging ang muntikang paglaya ni convicted murderer-rapist Antonio Sanchez.
Sinabi ng Pangulo na nilabag ni Faeldon ang kanyang utos kaya lumaki nang husto ang apoy na nilikha ng muntikang paglaya ni Sanchez.
Hiniling din ng Pangulo na imbestigahan ng Ombudsman ang lahat ng mga opisyal ng BuCor simula 2015 dahil malakas ang ebidensiyang nagpabaya ang mga ito sa kanilang tungkulin.
“With Faeldon out, I am ordering all who has had the opportunity to be that committee, all of them are with the BuCor, to report to me and to the secretary of Justice,” dagdag pa ng Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na nakatanggap siya ng tawag kay Senador Bong Go noong Agosto 21 ng gabi at ipinabatid ang malaking isyu sa BuCor kaya’t pinatawagan niya si Faeldon at inutos na itigil ang pagpapalaya sa mga preso sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance Law.


LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!