BISTADO! MALI MALI ANG PAG-COMPUTE SA GCTA o GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE KAY ANTONIO SANCHEZ NANG BUSISIIN ITO NG SENADO.
Mga bigating pangalan sa politika ang nagbigay raw ng sulat sa Board of Pardons and Parole para sa hiling na executive clemency ng misis ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez. Kabilang na rito si presidential spokesperson Salvador Panelo na abogado noon ni Sanchez sa kaso. Pero giit ni Panelo, referral letter lang ito at walang temang panghihimasok.
