GARY ALEJANO, BALAK KASUHAN SI BONG GO DAHIL UMANO SA PAGGAMIT NG PERA NG GOBYERNO?! PANOORIN
Pinag-aaralan daw ireklamo ni Otso Diretso senatorial candidate Gary Alejano si Hugpong ng Pagbabago senatorial candidate Bong Go. Dahil 'yan sa sumbong na namigay ng polo shirt at nagkabit ng tarpaulin si Go sa national assembly ng Liga ng mga Barangay na ayon kay Alejano ay ginastusan daw ng pera ng gobyerno. Giit ni Go, wala siyang kinalaman sa ipinamigay na souvenir at hindi raw siya gumagamit ng pondo ng gobyerno sa kanyang kampanya.
