NCRPO DIR. ELEAZAR NAGALIT SA NANGIKIL NA PULIS-PASIG, 14 NA KASAMAHAN NG PULIS SINIBAK. Panoorin
Matinding galit ang inabot ng isang pulis mula kay NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar matapos itong naaresto sa entrapment operation sa Pasig City. Hindi napigilan ni Eleazar na sampalin at saktan ang pulis na si Police Corporal Marlo Siblao Quibete ng District Drug Enforcement Unit sa Pasig City.
Ayon kay Eleazar, tinanggap ni Quibete ang P20,000 sa entrapment operation ng NCRPO Regional Special Operations Unit sa Evangelista Street kanto ng De la Paz Street sa Barangay Santolan, Pasig City. Bukod sa perang kinuha ng pulis na nasa P60,000 ay kinuha rin nito ang gintong kwintas ni Kilala habang ang motorsiko ni Ochoada ay pilit na pinapirmahan ang deed of sale nito
Hindi pa umano nakuntento ang pulis at humingi pa ng dagdag na pera kaya nagsumbong na si Kilala sa NCRPO. Panawagan naman ni Eleazar sa publiko, huwag matakot na isumbong ang mga umaabusong pulis. Samantala, sinibak na ang lahat ng miyembro ng Pasig Police Drug Enforcement Unit kabilang ang kanilang hepe. Nahaharap naman sa kasong robbery extortion si Quibete.
