Breaking News

Malaysian PM Mahathir, nasa Phl na para sa 2-day official visit.



Nakarating na sa bansa si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad para sa nakatakda nitong dalawang araw na state visit. Lumapag ang eroplanong sinakyan ni Mahathir sa Villamor Air Base sa lungsod ng Pasay.
Bukas, unang event ng 94-anyos na prime minister bandang alas-10:00 ng umaga ang pagdalo sa isang business forum sa Makati City at sundan ng pakikipagpulong kina House Speaker Gloria Arroyo at Senate President Vicente Sotto III.
Katulad ng ibang mga lider na bumibisita sa bansa, nakatakda ring pangunahan ni Mahathir ang wreath-laying ceremony sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Maynila. Diretso na si Mahathir sa Palasyo ng Malacañang kung saan sasalubungin siya mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte at ibang mga miyembro ng gabinete sa igagawad na welcome ceremony.

Watch the video!






LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!