Breaking News

UMALMA si Daraga Mayor Carlwyn Baldo matapos siyang idawit sa pagkamatay ni Batocabe.


Hindi man nabanggit ang kaniyang pangalan, mariing itinanggi ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo na may kinalaman siya sa pagpaslang kay Ako-Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe.

Nanawagan ang alkalde na huwag muna siyang husgahan hangga't hindi pa natatapos ang imbestigasyon. Natatakot rin umano siya sa seguridad ng kanyang pamilya dahil sa maling bentang sa kanya.  Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na isang pulitiko ang nasa likod ng pagpatay kay Batocabe.

Ayong namang kay Atty. Justin Batocabe, tuloy pa rin ang kanilang laban sa 2019 midterm elections. Mahigit 50 million pesos na rin ang pabuya para sa makapagtuturo kung sino ang nasa likod ng pamamaslang. Naniniwala rin ang palasyo na walang kinalaman ang NPA sa pagkamatay ni Batocabe.