TATAK DUTERTE! P300-BILLION Mega Manila Subway Project ng Duterrte Adminsitrasyon, groundbreaking ceremony na sa Enero. Panoorin
Sa Enero ng 2019 ang groundbreaking ceremony ng Metro Manila subway. Ito ay higit 300 bilyong pisong underground railway project na bahagi ng build build build program ng Duterte administration.
Ayon kay Dept. of Transportation (DOTr) Communications Head Goddess Hope Libiran ang railway systen ay may habang 30 kilometro na magsisimula sa Quezon City hanggang sa NAIA na aabot na lamang ng 40 minuto ang byahe.
Nasa 14 ang istasyon ng subway system.Pagdudugtungin din ito sa Light Rail Transit (LRT) line 1 at sa itatayong Makati subway system.Makakatuwang ng Pilipinas ang Japan sa pagpapatayo ng subway system.
Target tapusin ang kabuoan ng proyekto sa 2025.Layon nitong makatulong sa mga commuter na bibiyahe mula Quezon City hanggang Paraneque.