WALA NANG GANG | Binuwag na ni BuCor chief Nicanor Faeldon ang15 gangs sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.
Isa isang pinunit at sinunog ng mga lider ng bawat gang ang kanilang logo at bandera sa harap mismo ni BuCor chief Nicanor Faeldon ang 15 gangs sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa at pumirma sa isang kasunduan na buwagin na ang kanilang mga grupo at tapusin na ang kanilang mga ilegal na gawain.
Symbolo raw ito ng pag buwag nila sa kanilang pangkat sa loob ng maximum security ng new bilibid prisons at para sa kakabuti raw ng lahat.
Nangako rin ang ang mga grupo na wala nang magbebenta ng mga kontrabando, partikular na ang droga, alak at cellphones.
Nagkasundo na rin ang lahat na wala nang magtatago ng mga armas at magsisimula ng riot.
Naniniwala si Faeldon na sa naging hakbang ay matitigil na ang mga iligal sa loob ng Bilibid lalo na ang bentahan ng droga.
Ngayon ay halo-halo na sa mga dormitoryo ang lahat ng mga preso.