ROBIN PADILLA UMINIT ANG ULOS SA MGA BASHERS, MGA ARTISTANG KASAMA SA RUSSIA TRIP NI PANGULONG DUTERTE PINAGTANGGOL!
Hinamon ni Robin Padilla ang mga bumabatikos na ilabas kung magkano ang binabayad nilang tax at ang laman ng kanilang mga bank account, sa isang video na pinost ng kapwa artistang si Philip Salvador. Kasunod ito ng mga batikos tungkol sa pagsama ng ilang artista sa official visit ni Pres. Rody Duterte sa Russia.
Isyu na naman ang mga artista na kasama sa Russia trip ni President Rodrigo Duterte. Isyu dahil ang laging tanong, ano ba ang gagawin nila doon, sino ang nagbayad, sino ang nagdala at bakit dinala?
Tila unfair din naman sa nagsama sa kanila sa biyahe at sa mga kasama dahil parang excess baggage sila.
Well, puwedeng isinama ang mga artista dahil kailangan ng entertainer para sa mga Pilipino sa Russia.
Puwede rin na sariling gastos ng mga artista ang pagpunta nila sa Russia.
Maging fair sana ang both sides. Dapat makita at marinig ng mga tao ang paliwanag dahil kawawa ang mga artista na kasama, parang mga free loader sila at mga nagsasamantala sa pera ng bayan.
