Breaking News

CABLE CAR SYSTEM, PINAG-AARALANG SOLUSYON PARA MAIBSAN ANG TRAFFIC SA MAYNILA.


Isa sa mga suliranin ngayon sa halos lahat ng lansangan sa Kalakhang Maynila ang patuloy na pagbigat ng daloy ng trapiko. Sa kabila ng kaliwa’t kanang solusyon at hakbang ng pamahalaan upang matugunan ang naghuhumiyaw na perwisyong dulot nito, hindi pa rin maipagkakailang isa pa rin ito sa mga dahilan kung bakit “nakawiwindang” bumiyahe ngayon.

Bukod sa pagkakaroon ng mga karagdagang makabagong sasakyang pantransportasyon tulad ng e–jeepney, e–bike, LRT at MRT, lumabas ang isang mungkahi na magkaroon ng mga cable car system sa Maynila upang maibsan o malunasan man lamang ang bigat ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan, tulad ng EDSA.
Ayon sa isang urban planner, isa o dalawang taon lamang ang gugugulin at maaari nang maisakatuparan ang pagkakaroon ng cable cars upang masakyan. Hati naman ang opinyon dito ng mga netizens

LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!