Breaking News

#BATANGMAYNILA | YORME ISKO MORENO MEETS COCO MARTIN, MAGSASAMA SA ISANG PELIKULA "Abangan ninyo baka sa Disyembre "- YORME.



Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkikita nina Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at aktor na si Coco Martin.
Sa litratong ibinahagi ng Manila Public Information Office, mapapansing masinsinang nag-uusap sina Moreno at Martin sa isang coffee shop.
Ayon sa pinuno, marami silang makabuluhang bagay na pinag-usapan ng Kapamilya star.

“Abangan ninyo baka sa Disyembre makita ninyo ako sa pinilakang tabing,” biro ni Moreno sa mga mamamahayag.
Wala naman siyang ibinigay na ibang detalye hinggil sa nasabing pelikula.
‘Yung mapapanood ninyo sa pinilakang tabing, tapos na (ang shooting), ani Moreno.
Kinumpirma din ng opisyal na gusto maging parte ni Martin sa mga proyektong isinusulong ng lokal na pamahalaan para sa mga kabataan.
Sa ngayon, pinaplantsa nila ang pagpupulong sa pagitan ng batikang celebrity at mga batang-Maynila.


LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!