VIRAL! BARANGAY CHAIRMAN, MALUHA-LUHANG HUMARAP KAY MAYOR ISKO NA UMANOY NANUTOK NG BARIL AT NAMBUGBOG
Sumuko na ang barangay chairman mula sa 5th district na hinamon ni Manila mayor Isko Moreno bunsod ng diumano pagbunot nito ng baril at pambubugb0g sa isang residente. Linggo ng umaga nang magbigay ng palugit si Mayor Isko na lumitaw ang barangay chairman na diumano ay nagtatago.
Sa opisina ni Mayor Isko ay dumalo ang diumano nang-agrabyado na barangay chairman. Kinilala ito bilang si Chairman Amado Soriano na syang pinasalamatan ni Mayor Isko dahil naging matapang ito sa pagharap ng kinahaharap na isyu o problema.
Naging maluha luha naman si Chairman Soriano nang hingian ito ng pahayag kung ano ang masasabi nito sa mga akusasyon sakanya. Aniya ay dinepensahan lamang nito ang pananakit ng kabilang partido sa kanyang anak. Matatandaang nag-viral ang video ni Soriano nang bumunot ito ng baril sa gitna ng alitan ng ibang residente sa Sta. Ana, Maynila.