Breaking News

GOOD NEWS! P 735 BILLION NEW MANILA INTERNATIONAL AIRPORT SA BULACAN, SISIMULAN NA NGAYONG SETYEMBRE



Nakuha na ng San Miguel Corporation ang kontrata para sa pagpapatayo ng P735-billion New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan.

Ito ay dahil sa kawalan ng challengers sa Swiss challenge na idinaos laban sa orihinal na proponent sa kabila ng 180 araw na palugit na ibinigay ng gobyerno sa mga competitors.

Sinabi ni Transportation Assistant Secretary for Procurement and Project Implementation Giovanni Lopez sa sidelines ng opening of bids ceremony na walang kahit sino ang nagpasa ng comparative proposal na hahamon sa original proponent o sa San Miguel.







Dahil rito ay sinabi ni Lopez, na nagsisilbi bilang chair ng Bids and Awards Committee, ay ma-award ang proyekto sa San Miguel.

Sinabi ni Lopez, bibigyan nila ng 20 araw ang San Miguel na magpasa ng ilang documentary requirements tulad ng performance security, proof of commitment at iba pa.

Dagdag ni Lopez, meron naman 5 araw ang Department of Transportation upang tingnan kung nag-comply ang San Miguel o hindi bago nila ganapin ang pormal na pagpirma sa kontrata.

Matatandaan na sinabi ni San Miguel president at COO Ramon Ang na handa na ang kumpanya na mag-comply sa documentary requirements sa loob ng prescribed period upang masimulan na sa lalong madaling panahon ang konstruksyon ng paliparan.

Image may contain: text

LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!