4 NA BAGONG BATAS NILAGDAAN NA NI PANGULONG DUTERTE
1. Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11371 o Murang Kuryente Act.
Layunin ng bagong batas na mabawasan ang singil sa kuryente sa pamamagitan ng paglalaan ng net government share mula sa Malampaya Fund para ipambayad sa utang ng National Power Corporation (NAPOCOR). Nakapaloob din sa batas na gagamitin ang P208-billion ng Malampaya fund para bayaran ang tinatawag na “stranded contract costs” at “stranded debt ng NAPOCOR.”
Tinatayang aabot sa halos P200 ang mababawas sa buwanang bill ng mga konsumer na kumukonsumo ng 200 kilowatt hour. Nakasaad din sa Murang Kuryente Act na gagamitin ang ibang bahagi ng pondo para sa exploration, development at exploitation ng iba pang energy resources.
Ang Department of Budget and Management (DBM) ang mangangasiwa sa pagpapalabas ng nasabing pondo. Tinatayang aabot sa 16 milyong household o kabahayan ang makikinabang sa bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Agosto 8.
2. Batas na makatutulong sa mga mahihirap, nilagdaan na ni Duterte.
Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas ang Magna Carta for the Poor na magbibigay katiyakan ng bukas na serbisyo para sa mahihirap at hihikayat sa pribadong sektor na maglagak ng puhunan sa mga programang pang-mahihirap.

3. Duterte signs law giving 100% of service charge in hotels, restos to workers
President Rodrigo Duterte signed into law a measure requiring establishments to distribute in full the service charges they collected to their employees.
Republic Act 11360 signed by the president last August 7 amended Article 96 of the Labor Code, which stated that all service charges collected by hotels, restaurants and similar establishments shall be distributed at the rate of 85% for all covered employees and 15% for management.
The amended article states that all service charges collected by hotels, restaurants, and similar establishments shall be distributed completely and equally among the covered workers except managerial employees.
4. Duterte nilagdaan ang batas na nagpapataw ng community service para sa mga may minor offenses.
Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang batas na nagpapataw ng community service bilang parusa sa mga lumabag sa minor offenses.
Pinirmahan ng presidente ang Republic Act 11362 o ang Community Service Act noong August 8.
Sa ilalim ng batas, pwede nang ipataw ng korte bilang parusa ang community service imbes na pagkakakulong ng isa hanggang 30 araw.