PUMALAG SA PAGKADAWIT?! ARCHBISHOP VILLEGAS, SANGKOT UMANO SA OUST DUTERTE PLOT AYON KAY ALYAS BIKOY.
Mariing pinabulaanan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga akusasyon ni Peter Joemel Advincula, na nagdadawit sa kanya sa umano’y planong pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte. Si Advincula, na nagpapakilalang si alyas ‘Bikoy,’ ang siyang nasa likod ng nag-viral na videoserye na ‘Ang Tunay na Narcolist,’ na nag-aakusa kay Pangulong Duterte at sa pamilya nito na sangkot sa illegal drug trade sa bansa.
Ipinaliwanag pa ni Villegas na ang bahagi ng kanyang misyon bilang isang Pari at Filipino ay magabayan ang moral na kalagayan ng mamamayan base sa mabuting salita ng Diyos. Iginiit rin ng arsobispo na ang mga alegasyon ni Bikoy ay tahasang makapagpapahina sa pundasyon ng demokrasya ng bansa.
Aniya pa, ang paratang ni Bikoy ay hindi naaayon sa kanyang paninindigan na maibahagi ang mga turo ng Simbahan.
“I am a priest. My mission is to continue the love of Jesus Christ and to teach His Truth always. I believe in the power of electing officials; that is why I have tried my very best, as a priest and as a Filipino, to morally guide the people entrusted to my pastoral care. I cannot and will never lend a hand to use illegal or violent means for social change. Such will weaken our democratic foundations. This is contrary to my Christian conscience,” bahagi ng opisyal na pahayag na inilabas ni Villegas.
Nilinaw rin naman niya na walang katotohanan ang mga alegasyon ni Bikoy na kanyang pakikipagpulong para sa planong pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon noong gabi ng Disyembre 12, 2018 sapagkat sa nasabing oras at petsa ay nagmimisa siya sa isang parokya sa Orani, Bataan. Napaka-imposible na mapuntahan niya ang dalawang magkaibang lugar sa parehong pagkakataon.
