Breaking News

'LUMAYAS KAYO' | ATTY. HARRY ROQUE SINIWALAT ANG ANUMALYANG "GHOST PATIENTS" NG OPISYAL NG PHILHEALTH.


'LUMAYAS KAYO' | Pinasaringan ni Atty. Harry Roque ang mga opisyal ng PhilHealth sa gitna ng isyu sa 'ghost patients' na kumukuha ng claims para sa libreng dialysis. Una nang sinabi ng PhilHealth na nakapagsampa na sila ng kaso sa mga sangkot sa modus.
Ayon kay PhilHealth acting President at Chief Executive Officer Roy Ferrer, may mga naisampa nang kaso laban sa WellMed Dialysis and Laboratory Center sa Quezon City, maging sa 4 doktor ng pasilidad.
Suspendido na rin ang pagbabayad ng claims ng WellMed noon pang Pebrero at tinatapos na rin ang mga reklamong kriminal na isasampa sa Department of Justice (DOJ).
"The corporation filed 28 counts of administrative cases for claims for non-admitted treated patients, misrepresentations by furnishing false or incorrect information, and breach of warranties of accreditation/ performance commitment against the mentioned dialysis center," ani Ferrer.
Iniulat ngayong Huwebes ng pahayagang Philippine Daily Inquirer ang patuloy umanong pangungubra ng WellMed sa PhilHealth.

WATCH THE VIDEO!


Ayon sa dating empleyado ng pasilidad na si Edwin Roberto, naghahain ng claim ang WellMed sa PhilHealth kahit patay na ang ginagamot na pasyente.



LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!