Breaking News

GOOD! PANGULONG DUTERTE NAGLABAS NG EXECUTIVE ORDER 51, LAYUNIN AY WAKASANAN ANG CONTRACTUALIZATION.



Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusulong ng kanyang administrasyon para sa kapakanan ng mga manggagawa sa bansa.
Sa kanyang Labor Day message kahapon, ipinagmalaki ng Pangulo na nagpalabas siya ng Executive Order 51 na ang layunin ay wakasan ang contractualization.
Aniya, noong Mayo 1 ng nakaraang taon ay ipinalabas niya ang EO 51 dahil bigo pa rin ang Kongreso na magpasa ng batas upang wakasan ang contractualization.
Ayon sa Pangulo, nasa kamay na ng kongreso ang bola para tuluyan ng mawakasan ang endo sa sektor ng mga manggagawa. Kinilala rin ng Pa­ngu­lo ang mahalagang ginagampanang papel ng mga manggagawang Filipino sa loob at labas ng bansa sa nation-building.




LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!