GOOD NEWS! SUSPEK SA PAG-UPLOAD NG "BIKOY" VIDEOS ARESTADO NA NG NBI.
Nadampot na ng awtoridad ang tao na nag-post ng ‘Ang Totoong Narcolist’ video ni alyas Bikoy. Sa report ng Manila Times, kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nahuli na ito ng puwersa ng National Bureau of Investigation.
Sa naging pag-aresto kay Bikoy, nakahanap umano ang NBI ng sapat na ebidensya na mag-uugnay sa kanilang nahuli.Gayunpaman, hindi nagbigay ng detalye ang kalihim sa pagkakakilanlan ng suspek. Si Bikoy ang boses na nag-link sa mga malalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang sina Paolo Duterte, Bong Go, maging ang kanyang bunso na si Kitty.
WATCH THE VIDEO!
Sinabi rin ni Bikoy sa video na may tato ng "dragon-like figure" ang likod nina Paolo at ni Go at ang umano'y alphanumeric code ng mga umano'y drug tainted na bank accounts. Dati nang pinabulaanan nina Paolo, Carpio, at Go ang kanilang pagkadawit sa iligal na droga
