MGA KANDIDATONG MAGBABAYAD NG ‘CAMPAIGN’ FEE, MAY 'MONEY BACK' PAG NATALO SA LUGAR NILA - AFP
Money back guarantee ang pangako ng NPA o New Peoples Army sa ilang kandidatong kanilang sinisingil ng campaign fee. Ayon kay Col. Nel Detoyato isang Chief AFP public affair office ginigisa lang ng mga rebelde sa sariling mantika ang mga kandidato lalo na ang mga magkakalaban sa local level kong saan ang parehong kalaban ay ginagatasan umano ng pareho ang NPA.
Base na rin sa mga inamin ng nagbalik loob na mga rebelde at mga kandidatong suki ng NPA talamak ang bayaraan ng mga politiko at rebeldeng groupo partikular na sa lugar ng Davao del sur, davao del norte, surigao at hanggang sa luzon.
Maituturing na kaaway ng pamahalaan ang mga kandidatong magbabayad ng permit to campaign fees sa NPA o New People’s Army.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang pagbayad ng campaign fees ay katumbas ng suporta sa NPA. Sinabi ni Año na para na ring tinulungan ng mga kandidato ang NPA para mapondohan ang kanilang pakikipaglaban sa pamahalaan.
