Sen. Lacson, inungkat ang P2.8-B na inilaan para sa Antique kung saan tumatakbo si Sen. Legarda
Na approbahan na ang 3.7 trillion peso na national budget sa 2019 ng kongreso pero hindi pa tapos ang isyong may pork barrel pa rin kahit pinag babawal na sa batas ang di umanoy budget insertion ni Sec. Diokno na pinag hati-hatian na raw ng mga kongresista.
Kinuwestyon naman ni Sen. Lacson ang pundong isiningit ng ilang Senador. Sinisiguro naman ni pamahalaan na bubusisiin ng maigi ni Pangulong Duterte ang laman ng national budget.
Inungkat naman ni Sen. Lacson ang 2.8 billion isiningit umano ng mga kapwa senador kabilan na dito ang 2.8 Billion na inilaan para sa Antique kung saan tumatakbong kongresista si Sen. Loren Legarda.
Watch the video!
Nagsalita naman si Sen. Loren Legarda at iginiit na hindi ito pork kundi kabuoang institutional amendment for infrastructure, basi sa hiling ng mga ahensya hindi lang daw ito sa isang probinsya kundi para sa buong bansa.
