Breaking News

Pekeng pari, inaresto matapos manghingi ng donasyon kapalit ng basbas at Misa. Isa palang Sputnik Gang!. Panoorin



Isang lalaking nagpanggap na pari ang inaresto ng mga pulis Maynila nitong Linggo sa gitna ng pista sa Tondo. Ang lalaki ay nakilalang si Marlon Ponterez na dati nang nakulong at miyembro ng Sputnik Gang.


"Nagbabasbas siya ng mga bahay at gusto niyang magpamisa roon. Pero ang nakapagtataka ay nanghihingi siya ng pera. At ang isang bahay nga ay pinanhik niya pa at sabi niya, 'Bagong gawa, basbasan ko.' At nanghihingi siya ng isang libong piso,".

Napag-alaman ng mga pulis na kalalaya lamang ni Ponterez noong nakaraang taon dahil sa kasong carnapping. Mayroon din siyang tattoo sa katawan na nagpapatunay ng miyembro siya ng Sputnik Gang.
Inireklamo ng ilang residente si Ponterez matapos niyang manghingi ng pera kapalit ng pagmimisa at pangbabasbas.

Watch the video!



LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!