PRESIDENT DUTERTE HINDI PINIRMAHAN ANG ANTI PALO BILL NI SENATOR HONTIVER0S
Kinumpirma ng Palasyo ngayon araw na hindi pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ang pinagsamang Senate Bill No. 1477 and House Bill No. 8239 o binansagang’anti-palo’ bill na naglalayon na pagbawalan ang pamamalo o pananakit sa mga bata bilang pagdidisiplina. Ang naturang panukalang batas ay inihain ni opposition senator Risa Hontiveros.
Ang House Bill No.8239 na pinamagatang “An Act Promoting Positive and Non-Violent Discipline, Protecting Children from Physical, Humiliating or Degrading Acts as a Form of Punishment and Approproating Funds Therefor o anti-palo bill.
Sa ilalim ng nasabing panukalang batas na akda ni Sen. Risa Hontiveros ay tinatanggal ang karapatan ng mga magulang na gamitin nito kung sa palagay nila ay nararapat sa pagdisiplina sa kanilang mga anak.
“Yung paternal authority sa bata nandoon [sa mga magulang], sila unang magdi-discipline sa mga anak nila. ‘Wag lang yung sobra… Alangan namang ikaw papabayaan mo anak mo iba bubogbog,” ayon sa taga pagsalita ng palasyo
Naniniwala ang Pangulo na sapat na ang Family Code of the Philippines, Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Act of 1992, gayundin ang Presidential Decree 603 or the Child and Youth Welfare Code and RA 9262 at ang Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004 para mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga bata kontra pagmamalupit kaya hindi na kailangan ang panibagong batas hinggil dito tulad ng nasabing anti-palo bill.
