MAS LALONG MADUGO! Pres. Duterte nagbabala sa mas magiging maigting pa ang kampanya kontra droga ng administrasyon.
Asahan na mas magiging madugo pa ang kampanya kontra ilegal na droga na ilulunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw.
Paliwanag ng Pangulo, giyera at hindi punitive police action ang kanyang idinideklara ngayon kontra ilegal na droga.
“And I am declaring war. I am not declaring a punitive police action. It cannot help and it would not help. So early on I decided but I think I’d be more — well I said harsher in the days to come. Because hopefully I cannot see a country of mine…” ani Duterte.
Iginiit pa ng Pangulo na target niyang tapusin ang naturang problema sa loob ng natitirang tatlong taong panunungkulan sa Malakanyang.
