Macalintal kay Estrada: 'Mga magnanakaw sa kaban ng bayan' di karapat-dapat tumakbong bilang public servant ng bayan.
Hindi umano minamaliit ni “Otso Diretso” senatorial candidate Romulo Macalintal ang abilidad ng mga artista na maging mambabatas o manungkulan sa anumang posisyon sa gobyerno. dagdag pa ni Macalintal, ang pinatutungkulan niya ang yaong mga nagnakaw sa kaban ng bayan ang walang puwang na magkaroon ng upuan sa public service.
Ginawa ni Macalintal ang paglilinaw matapos pumalag si dating senador Jinggoy Estrada sa pahayag na bakit raw boboto ng artista.
Dito ipinagmalaki ni Estrada ang mahigit 600 na panukalang batas na kanyang nai-file kumpara umano sa “yellow” senators, na pinatutungkulan ang mga miyembro ng Liberal Party.
“Mr. Jinggoy, hindi ko tinatawaran ang kakayahan ng mga artista. Iginagalang ko iyan. Ang aking sinasabi ay hindi karapat-dapat tumakbo sa Senado o manungkulan sa anumang departmento ng pamahalaan ang isang magnanakaw,” giit ni Macalintal.
