NAPAIYAK sa pag-amin si Archbishop Cardinal Tagle sa pagtalakay sa mga kaso ng pang-aabusong sangkot ang mga pare. Panoorin
Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagtalakay sa mga kaso ng pang-aabusong sangkot ang ilang taga-simbahan sa conference na ipinatawag ni Pope Francis. Sabi ng Malacañang, patunay raw 'yan na may basehan ang kritisismo ng pangulo sa mga pari.
Pinuri ng Malacañang ang pagpapakumbaba ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle matapos aminin sa Vatican Summit ang pagkakamali ng ilang alagad ng Simbahan.
Ito rin aniya ang tinutumbok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga talumpati at patunay na may batayan ang kanyang mga banat sa ilang alagad ng Simbahan. Ayon pa sa Sec.Panelo, ay malinaw na pag-amin na mayroon talagang nangyayari sa hanay ng mga pari noon pa man sa kabila ng mga naunang pagtatakip at pagtanggi ng mga ito.
Umaasa ang Palasyo na ang matapang na pag-amin ni Tagle sa mga sikreto ng Simbahan ay magiging daan ng “cleansing process” sa Simbahan.
Umaasa naman si Panelo na habang nasa puwesto si Pope Francis sa Vatican ay magpapatuloy ang diwa ng reporma sa Simbahan.
