Sa unang pagkakataon nanumpa na ang 80 miyembro ng Bangsamoro Transition Authority kay Pangulong Duterte.
Pinangunahan kahapon ni Pangulong Duterte ang oath-taking ceremony at ceremonial confirmation ng 80-member na bubuo ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).
Sa ngayon, wala pang inilalabas ang Palasyo na listahan ng mga pangalang kasama sa 80 miyembro ng BTA.
Inaasahan namang ia-appoint ng Pangulo si MILF Chairman Al Hadj Murad Ebrahim bilang interim chief minister ng Bangsamoro gov’t.
Automatic na magiging miyembro ng BTA ang mga kasalukuyang opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) hanggang sa mapaso ang kanilang termino sa June 30, 2019.
Ang BTA ang magsisilbing interim government para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) hanggang sa pagsapit ng eleksyon sa taong 2022.
