Breaking News

Maria Ressa: Ginagamit raw ng gobyerno ang batas laban sa mamamayan at mamamahayag.


Kinondena ng foreign at local na mamamahayag ang pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa dahil sa cyber libel case.Ayon naman kay Maria Ressa Ginagamit umano ng gobyerno ang batas laban sa mamamayan.

Ayon sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) ang ginawa kay Ressa ay "latest legal stratagem" na banta sa freedom ng press.

Ang FOCAP aniya ay magpapatuloy na magsalita ng katotohanan kasama ang iba pang independent media sa bansa.

Mababatid na kahapon ng arestuhin ng National Bureau of Investigation (NBI) si Ressa.




Ito ay makaraang makitaan ang merito ang reklamong inihain ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

Noong February 12 ay naglabas ng warrant of arrest si Manila Regional Trial Court Branch 45 Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa laban kay Ressa 

at sa dating reporter ng Rappler na si Reynaldo Santos.

Ang reklamo ni Keng ay nag-ugat sa isang news article na lumabas sa Rappler noong 2012 kaugnay sa sinasabing pagpapahiram niya ng mamahaling sports utility vehicles kay dating Chief Justice Renato Corona.

Watch the video!


LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!