Breaking News

Ilang kabataan nag-rally sa labas ng NBI office para i-protesta ang pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa.



Nag-rally sa labas ng NBI office ang ilang kabataan para i-protesta ang pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa.  Inaresto ngayong Miyerkoles ng National Bureau of Investigation (NBI) si Maria Ressa, ang pinuno ng news website na Rappler, dahil sa kasong cyber libel.


Nasa opisina ng Rappler sa Pasig City si Ressa pasado alas-5 ng hapon nang silbihan siya ng NBI Cybercrime Division ng arrest warrant. Bandang alas-6 ng gabi nang sumama si Ressa sa mga taga-NBI papunta sa tanggapan ng ahensiya.

Hindi na nakapagpiyansa si Ressa sa mga korte dahil sarado na ang mga ito noong oras na siya ay arestuhin.
Tinanggihan naman ng isang judge sa isang Pasay night court ang piyansa ni Ressa kaya maaaring magdamag na manatili si Ressa sa tanggapan ng NBI.
Nag-ugat ang reklamo sa artikulo na inilathala ng Rappler noong 2012 ukol sa negosyanteng si Wilfredo Keng.

Watch the video!



LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!