GOOD! 5 suspek sa pagpapasabog sa Sulu Cathedral, sumuko na sa pulisya! Aminadong ginabayan ang mga suicide bomber. Panoorin
Hawak na ng mga awtoridad ang pangunahing suspek at apat na iba pang lalaking dawit umano sa magkasunod na pagsabog sa isang simbahan sa Jolo, Sulu, sa pinuno ng Philippine National Police (PNP).
Sumuko sa militar noong weekend si Kammah Pae o alyas "Kamah," kapatid ng yumaong Abu Sayyaf leader na si Surakah Ingog, ayon kay Director General Oscar Albayalde. Bukod kay "Kamah," sumuko rin sina Albaji Kisae Gadjdali (alyas "Awag"), Rajan Bakil Gadjali (alyas "Radjan"), Kaisar Bakil Gadjali (alyas "Isal"), at Salit Alih (alyas "Papong") na pawang may mga papel umanong ginampanan sa pagpapasabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral noong Enero 27.
Si Kamah umano ang gumabay sa mga suicide bomber na mismong bumomba sa simbahan.Sumabog ang unang bomba bandang alas-8:30 ng umaga sa gitna ng misa. Isa namang bomba ang sumabog sa parking area ng simbahan habang rumeresponde ang puwersa ng gobyerno sa naunang pagsabog. Na aabot sa 23 tao ang namatay at 95 ang nasugatan sa insidente, ayon kay Albayalde.
Kasong multiple murder, attempted multiple murder at damage to property ang isinampa laban sa lima.
Kabilang ang limang suspek sa grupo ng 22 miyembro ng Abu Sayyaf na responsable sa pag-atake sa Jolo. Pinaghahanap ang 14 iba pang suspek, kabilang ang pinuno ng grupo na si Hatib Hajan Sawadjaan. Nasawi naman ang tatlong miyembro ng grupo, kabilang ang mga suicide bomber.

