ARESTADO NA! Kenneth Dong ang umano'y middleman sa P6.4-B shabu shipment mula China na naipuslit sa BOC.
Matapos ang mahigit isang taong pagtatago na-aresto na sa wakas si KENNETH DONG ang tinururong middleman sa P 6.4 billion shipment na shabu mula china na nakalusot sa BOC noong 2017. Nahuli si Dong sa isang bahay Katarungan Village, Muntinlupa City dakong alas 2 ng hapon sa bisa ng Warrant of Arrest mula ra RTC branch 46. Kinasuhan si Dong sa paglabag ng kasong RA. 9165 o COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUGS ACT OF 2002. Nag tangka pang tumakas si Dong pero tumigil ng paputukan ng baril ng mga awtoridad.
