Tinraydor kaya SUMUKO! Dalawa pang suspek na pumatay kay Rep. Batocabe, hawak na ng mga pulisya.
Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Oscar Albayalde ang dalawang sumuko na sina Danilo Muella, alyas “Manoy Dan”, na ayon sa pulisya ay bumili ng mga baril na ginamit sa pamamaslang; at Rolando Arimado, alyas “RR”, na nagsilbi umanong back-up gunman.
Ayon kay Albayalde, unang sumuko si Muella sa Regional Intelligence Office ng Police Regional Office (PRO)-5 bandang 1:00 ng umaga, habang sumuko naman si Arimado sa pulisya sa Masbate bandang 7:00 ng umaga.
Sinabi ni Albayalde na si Muella ay pinagkakatiwalaang security aide ni Mayor Baldo habang isa namang dating rebelde si Arimado.
Naghahanda na rin ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mga kasong administratibo na isasampa sa Office of the Ombudsman laban kay Mayor Baldo “so we can request immediately the preventive suspension of the mayor”, ayon kay Secretary Eduardo Año.

