Rehabilitasyon ng Manila Bay, pormal nang sinimulan, Antas ng dumi, sa Manila Bay, lagpas na sa 'safe limit' .
Libo-libong tao, kasama ang ilang miyembro ng Gabinete, ang lumahok nitong Linggo sa paglulunsad ng rehabilitasyon ng Manila Bay.
Nasa 5,000 tao, kabilang ang mga government worker at volunteer, ang nagmartsa mula Quirino Grandstand hanggang Baywalk, hudyat ng pagsisimula sa rehabilitasyon.Layon ng rehabilitasyon ng mapababa ang nibel ng fecal coliform – isang uri ng bakterya – sa Manila Bay.
Lumabas sa isang water sampling nitong buwan na naglalaman ng average na 330 milyon MPN (most probable number) fecal coliform ang Manila Bay, malayo sa katanggap-tanggap na antas na 100 MPN. Inaasahang tatagal ng ilang taon ang rehabilitasyon at nangangailan ng pondong aabot sa P47 bilyon.
