Breaking News

NAKUNAN sa CCTV! PAGHIHIGANTI at person interest ang posibleng motibo sa pagpapasabog sa isang simbahan sa JOLO ayon sa imbisigasyon.



Ayon kay ESPERON ang posibleng paghihiganti ang motibo sa pagpapasabog sa isang simbahan sa JOLO, Naniniwala rin si National Security Expert Prof. Rommel Banlaoi na posibleng may tulong ng mga dayuhang terorista ang nangyaring dalawang pagsabog sa simbahan sa Jolo, Sulu.
Sinabi ni Banlaoi na planado ang timing ng ginawang pagpapasabog.
Maliban dito, sa kabila ng napakahigpit ng seguridad sa Sulu dahil sa katatapos na plebisitio sa Bangsamoro Organic Law (BOL) ay nagawa pa ring makalusot ng mga terorista.Sinabi naman ni Banlaoi na mahirap pang iugnay ngayon ng direkta sa katatapos na Bangsamoro Organic Law plebiscite ang nangyari.
Ang Ajang-Ajang group kasi aniya na unang tinukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang posibleng nasa likod ng pagsabog ay sub-group ng Abu Sayyaf. Ang Ajang-ajang ang mga anak sa mga lider ng mga Abu Sayyaf.

Watch the video!




LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!