PULITIKA, POSIBLENG MOTIBO SA AMBUSH NA IKINASUGAT NG CEBU MAYOR AT IKINAMATAY NG 3 BODYGUARD.
Politika ang isa sa tinitingnang anggulo ngayon ng Talisay City PNP kaugnay sa posibleng motibo sa pananambang sa alkalde ng San Fernando, Cebu na ikinasawi ng asawa nito at 3 bodyguards.
Ayon kay C/Insp. Ardy Cabagnot, deputy chief ng Talisay City PNP, sinabi umano ni Mayor Neneth Reluya na may kaugnayan sa politika ang nangyari sa kanila.
Napag-alaman na una na ring pinaslang ng hindi pa matukoy na mga suspek ang dalawang opisyal ng nasabing bayan na sina Councilor Reneboy Dacalos at Kapitan Johny Ariesgado na tumatakbong konsehal sa ilalim ng partido ni Reluya.
