3 Russian Navy vessels, dumaong sa bansa para sa 5-araw na goodwill visit, layon pagtibayin ang relasyon ng dalawang bansa.
Tatlong “highly advanced” warships ng bansang Russia ang dumaong sa pantalan ng Pier 9 sa South Harbor, Maynila araw ng Linggo.
Kabilang sa mga dumaong sa Pier 9 ng South Harbor sa lungsod ng Maynila ay ang Russian Navy Vessels na anti-submarine ship Admiral Pantellev, guided-missile cruiser Varyag at sea tanker Boris Botuma.
Layunin ng pagbisita ng Russian Navy sa bansa ay para sa kanilang limang araw na Goodwill visit. Magsisimula ang kanilang Goodwill ng araw ng Linggo at magtatagal ng hanggang Enero 11, 2019. Layon din ng goodwill visit ng Russian Navy na pagtibayin ang relasyon nito sa Philippine Navy.
Ito ang unang pagdalaw ng mga barkong pandigma ng Russia sa Pilipinas para sa bagong taong 2019. Mula noong 2012 ay naka-pitong beses nang nakabisita ang mga barkong pandigma ng Russia sa Pilipinas.

