Magandang Balita! MAHIGIT 1000 TRABAHO PARA SA MGA PINOY, ‘OPEN’ SA ISRAEL. Panoorin
Good News para sa mga pinoy na gustong magtrabaho at makipagsapalaran sa ibang bansa, Lumagda ng labor agreement ang Pilipinas at Israel na magbubukas sa mahigit 1000 trabaho sa mga pilipino sa Middle Eastern Nation particular na nilagdaan nila Labor Secretary Silvestre Bello III at Israeli Tourism Minister Yariv Levin ang nasabing kasunduan.
Umaasa si Bello na ang bagong labor agreement ay magiging mitsa ng mas maraming pang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang posibleng magiging trabaho ng mga pinoy ay Staff o Cleaners sa mga hotels sa Israel.Nang bumisita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Israel nitog Setyembre, isa pang agreement ang nilagdaan ng dalawang bansa para naman masiguro ang kapakanan at karapatan ng mga Pinoy caregivers. Sa tala ng Embahada ng Pilipinas sa Israel, nasa 28,000 Pinoy ang nagtratrabaho sa bansa.
