TRENDING! BONG REVILLA, BINATO NG WATER BOTTLE SA KASAGSAGAN NG PANAGBENGA FESTIVAL.
Kasinglamig ng temperatura sa Baguio City ang pagtanggap ng mga tao kay Bong Revilla sa kasagsagan ng Panagbenga Festival nitong weekend.
Ayon sa report ng Philippine Daily Inquirer, muntikan nang tamaan si Revilla ng bote ng tubig na binato papunta sa kanyang direksyon.
Ipinagbawal ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. (BFFFI), ang organizer ng Panagbenga Festival, ang pangangampanya at pang-eepal ng mga tumatakbong kandidato para sa Halalan 2019 sa kasagsagan ng kasiyahan.
Subalit ang kanilang utos ay hindi naman sinunod ni Revilla, pati nila Imee Marcos at Lito Lapid na dumayo din para sa pista. Si Revilla ay kasalukuyang tumatakbong senador sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago senatorial slate ni Davao City Sara Duterte.
 

