Breaking News

Departamento para sa mga OFWs, ISUSULONG ni Bong Go sa Senado!




Palawakin ang Malasakit Centers at dagdagan ang Benipisyo ang mga Health Workers. Bumuo ng isang Departamento na tutok sa kapakanan ng mga OFWs. Sport Development bilang pangontra sa Droga, Kurapsyon at Kriminalidad - Iyan ang Top Legislative agenda ng ating Special Assistant to The President Christopher Bong Go at ngayon ay tumatakbo sa pagka-Senador sa ilalim ng PDP Laban. 

Unang-unang tutukan ni Bong Go ang Medical Service sa Bansa, sa pamagitan ng pagpapalawak pa ng sakop ng Malasakit Center. Sa tulong ng Malasakit Center ay mas mapapadali ang paghingi at pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan, hindi na kailangan mapagod at maubos ang oras ng mga pasyente sa kapa balik-balik sa mga ahensya ng Pamahalaan para humingi dahil nasa isa nang Opisina na lamang ang DOH, DSWD, PCSO at PhilHealth na maaring hingan ng tulong ng mga ito. Kung hindi rin sapat ang tulong ng mga nabanggit na mga Ahensya, ang Malasakit Center na rin ang bahala sa Balanse. 

PANOORIN ANG BUONG VIDEO