NASAAN ANG PANGULO? DUTERTE NAKAKARESPONDE NANG MAS MABILIS NA TULONG PARA SA MGA BIKTIMA SA PAGSABOG NG BULKANG TAAL.
Nasaan ang Pangulo?
Nasa Batangas para makita ng personal ang nangyari at magbigay ng tulong kasama si Kuya Bong Go, dumalo rin sila sa situation briefing tungkol sa pagsabog ng Bulkang Taal.
Upang higit na maintindihan ang kalagayan ng mga biktima, dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Bong Go at matataas na opisyal ng mga ahensiya ng gobyerno sa situation briefing ngayong araw, January 14, tungkol sa pagsabog ng Bulkang Taal. Pinangunahan ng Pangulo ang pulong, at inaasahan na dahil sa impormasyong ibinahagi sa mga dumalo, makakaresponde nang mas mabilis at maayos ang gobyerno lalo na sa pangambang pagputok ng bulkang Taal. Sa mga ganitong pangyayari, kailangan ang sapat na kaalaman sa paghahatid ng serbisyong ora mismo.
