PANGULONG DUTERTE BIBISITA SA ILOILO-GUIMARAS STRAIT KUNG SAAN NASAWI ANG MAGIHIT 31 KA TAO NOONG SABADO
UMAKYAT na sa 31 ang iniulat na nasawi habang may anim pang nawawala hanggang Linggo ng tanghali sa paglubog ng tatlong barko sa Guimaras, Iloilo nitong Sabado sa ulat ng pulisya at Philippine Coast Guard ngayong Linggo.
Sa huling datos na ibinahagi ng Philippine National Police, PNP Police Regional Office 6 Spokesperson Police Lt. Col. Joem Malong, “as of 12 noon ng August 4,2019 umakyat na sa 25 ang patay, anim ang missing na patuloy na pinaghahanap sa ngayon.”
Ayon sa report na isinumite ng PNP PRO6 sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council nasa 55 ang naitalang survivors mula sa tatlong bangka.
Sa unang insidente na naganap bandang alas-12:30 ng tanghali na kinasasangkutan ng M/B ChiChi ay 12 ang nasawi, habang 25 ang nakaligtas.
Sa pangalawang insidente na kinasasangkutan ng M/B Kezia na naganap bandang alas-3:00 ng hapon nasa 13 ang patay kabilang ang isang minor at nasa 20 ang survivors.
Nasa 86 ang kabuuang bilang ng mga pasahero mula sa dalawang bangka at 13 ang crew.
Sa 25 nasawi, 13 dito ang hindi pa nakikilala habang ang 12 ay tukoy na ang pagkakakilanlan.
Samantala, nakaligtas naman ang apat na sakay ng M/B Kezia.
Sa kabilang dako, inaasahan na babalik na sa normal ang biyahe Lunes ng hapon patungong Guimaras.
Kasalukuyang sinusuri at inaalaman ng PNP SOCO ang pagkakakilanlan ng ilang biktima.