P40-MILLION ALOK NI PANGULONG DUTERTE PARA SA MGA PANGANGAILANGAN NG MGA NASALANTA NG LINDOL SA BATANES
Sisimulan na ngayong linggo ang pamamahagi ng emergency shelter assistance (ESA) sa mga pamilyang nasiraan ng bahay sa nangyaring magkasunod na lindol sa Itbayat, Batanes, nitong Sabado ng umaga.
Sa press briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Basco Airport, tiniyak nito na makakatanggap ng P60,000 na ESA ang mga pamilyang totally damaged ang tirahan, habang P30,000 para sa partially damaged.
Sa naturang halaga, ang P30,000 para sa totally damaged houses at P10,000 sa partially ay magmumula sa Department of Social Welfare and Development, habang ang P30,000 sa totally at P10,000 sa partially ay mula sa National Housing Authority .
Nabatid na aabot sa 15 bahay sa bayan ng Itbayat na sentro ng pagyanig ang totally damaged at posible pang tataas ang bilang, habang patuloy ang assessment sa lugar.
Samantala, nangako si Duterte ng P40 milyon na tulong pinansyal para sa pagsasaayos sa mga nasirang imprastruktura sa lugar.
Pinakikilos din ng Pangulo ang lahat ng ahensiya ng gobyerno upang matiyak na mabilis na maibaba ang tulong sa mga apektadong residente.
Post Comment